387
duterte-goc
By

Duterte, nagngingitngit pa rin kay Loot

Sharing is caring!

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Daan Bantayan, Cebu Mayor at retired police general Vicente Loot sa kanyang pagbisita sa Cebu nitong weekend.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga local executives ng Cebu, hinanap ng Pangulo si Loot na hindi dumalo sa aktibidad at muli itong binira sa isyu ng iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, kahit anong tanggi ni Loot sa isyu ng droga ay batid nito ang mga aktibidad ng alkalde pati na rin ang bahay nito na ginawa aniyang imbakan ng iligal na droga.

“Sabi ko si Loot, nandito daw. Where are you? Huwag mo akong loko… If you really… Kasi alam ko kung wala kayo in possession, if you were just a warehouse. But remember, General Loot, your house was flooded with drugs sa isang kuwarto. Huwag na tayong maglokohan dito.

“P***** i** mo ‘wag mo ako lokohin, l*** ka. Huwag ka talagang mag-salig-salig diha nga heneral ka. Hindi ako naaano ng mga heneral heneral diyan,” anang Pangulo.

Kaya aniya ng Pangulo na patunayan ang pagkakasangkot ng dating heneral sa illegal drug trade kaya’t huwag siyang hahamunin dahil papatunayan talaga niya ito.

“Maski tama ‘yung sinabi ng gunggong na ito, itong sabi niya na, ‘Well I admitted that I was dealing with shabu but no, prove to me.’ Siya pa ang magsabi prove. P***** i** mo, sige.

“Bigyan mo akong benta, I will prove to you that your dead. ‘Wag mo akong lokohin. ‘Wag mo akong — hindi ako disenteng tao na magsalita ka lang hamunin mong… Hihiritan kita,” ang ngitngit na pahayag ng Pangulo.

Nag-iwan ng mensahe ang Pangulo kay Loot at ito ay maaaring magkaintindihan sila o babagsak ito kasabay ang hamon na kasuhan siya at mga pulis kung gusto nito.

“Either magkaintindihan tayo dito o — magsabi ka lang kung anong gusto mo. Kaya kayong nandito, Cebu malakas pa rin ha. So kung babagsak ka, sorry. You want to file charges against me? Go ahead. You want to file charges against the police, go ahead.

“Sinabi ko sa pulis, in the performance of duty and to the military, I will never, never allow you to go to jail. ‘Yan ang pangako ko sa military pati sa pulis na matino,” dagdag pa ng Presidente.

Matatandaang si Loot ay nakaligtas sa pananambang noong nakalipas na dalawang linggo subalit nasugatan ang kanyang dalawang alalay, yaya ng kanyang mga apo at isang bystander.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?