ABANTE gary alejano china barko ph rise
By

Duterte naglakwatsa lang sa HK – Alejano

Sharing is caring!

Pagsasayang lang daw ng pera ng taumbayan ang biyahe ni Pang Rodrigo Duterte sa Hong Kong.

Para kay Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, personal junket o lakwatsa para sa sarili, sa kanyang pamilya at malaking delegasyon ang Hongkong trip ng Pangulo.

Ayon kay Alejano, wala namang mga opisyal na kinausap sa Hongkong si Duterte at mga kasamang opisyal gaya nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at PNP Chief Ronald dela Rosa, kaya hindi ito matatawag na working visit.

Bukod sa pagbibigay ng talumpati sa mga Pilipino sa Hongkong at pagkain sa fastfood chain, puro pang-PR lamang anya ang ginawa ng mga ito doon.

Kinuwestyon ng kongresista kung anong pakinabang ng bansa at ng mga Pilipino sa naturang biyahe na ginastusan gamit ang pondo ng bayan.

Kantiyaw pa nito, sinibak ng Presidente ang ilang opisyal dahil sa mga biyahe abroad pero siya mismo ay ginagawa rin ito.

“He has sacked some officials for overseas junkets or trips. But he has done it himself just now in Hong Kong with his family members and a large entourage, dining and sightseeing in that city, presumably with taxpayers’ paying for the considerable costs of their stay in Hong Kong. Isn’t this hypocrisy in the highest order?” sabi ni Alejano.

“Millions of pesos must have been spent by Duterte and his entourage during their Hong Kong junket. Why weren’t these millions of pesos used instead to help poor rice farmers by buying their palay at even P22 per kilo so the NFA will immediately have stocks of cheap rice that they can sell at just P28 to P30 per kilo to poor Filipinos? How can poor Filipinos find cheap rice from the NFA if Duterte and his officials are spending taxpayers’ money enjoying the good life in Hong Kong and other overseas junkets,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?