97

By

Duterte nagkomento tungkol kay Justin Bieber

Hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte si American actor Stephen Baldwin sa naging courtesy call ng huli sa Pangulo sa Grand Hyatt Hotel sa Taguig City.

Kabilang sa napag-usapan ng dalawa ang hinggil sa engagement ng anak ni Baldwin na si Hailey kay pop superstar Justin Bieber.

Tinanong ni Baldwin ang Pangulo kung ano ang masasabi nito sa nakatakdang pagpapakasal nina Hailey at Bieber.

β€œThe President responded that as long as Mr. Bieber truly believes in the sanctity of marriage, Mr. Baldwin has nothing to worry about,” ani Special Assistant to the President Bong Go.

Nag-date noong 2016 sina Bieber at Hailey pero naghiwalay din pero noong nakaraang buwan nang umugong ang balita na nagkabalikan ang dalawa dahil palagi silang nakikita na magkasama sa mga pampublikong lugar.

Na-engage umano ang mga ito nang mamasyal sa Bahamas, ayon sa E! News. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?