57

Sep 8, 2021 @ 17:53
By

Duterte nagkamali sa tanggal face shield

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya nang sabihing hindi na kailangang magsuot ng face shield kontra COVID.

“Ako noon, sabi ko tanggalin na ninyo ‘yung face shield kasi binabasa ko naman ang ano, sa Amerika at lahat, wala namang face shield,” aniya sa public address na ipinalabas nitong Miyerkoles.

“Noong dumating itong variant na Delta, natakot ako. ‘Yun, mali ko ‘yun,” dagdag niya.

“Ako ang nagsabi ng huwag na, akin ‘yun. It was my call but I believed, in good faith, na hindi na kailangan [ang face shield],” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?