27

By

Duterte naghamon ng away sa mga obispo: Sumosobra na kayo!

Sharing is caring!

Nasa fighting mood si Pangulong Rodrigo Duterte kayat hinamon ang mga obispo ng away dahil sa walang tigil na pagbatikos sa kanya lalo na sa kanyang kampanya sa illegal na droga.

Sinabi ng Pangulo sa ika-85 anibersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sumosobra na ang mga pari at obispo dahil panahon pa lang ng eleksiyon ay biniobira na siya ng mga ito.

Dahil dito hinamon niya ang mga alagad ng simbahan na gawing bukas ang kanilang away para malaman ng tao kung ano talagang totoo.

Sinabi ng Presidente na hindi siya tinitigilan sa isyu ng extra judicial killing at sobra pa ang bilang na ipinapakalat umano ng mga ito.

“Kaya kayo hinahamon ko , let us quarrel openly. Sabihin ninyo kung anong kasalanan ko, patay. Maghanap kayo ng obispo diyan na nasa droga, kundi putulan kita ng ulo.Sumobra mga ito, even before the elections binibira na nila ako , im just holding on to my horses. Sinasabi nila pumapatay ako ng tao, ng drug pushers.,” anang Pangulo.

Ang mga namamatay ayon sa Pangulo ay mga sangkot sa iligal na droga at hindi naman mga inosente ang mga ito, gaya ng gustong palitawin ng kanyang mga kritiko.

Kasabay nito hinimok ng Pangulo ang publiko na basahin ang librong ‘Altar of Secrets’ at ‘Popes’ at doon malalaman ang ‘baho’ ng mga alagad ng simbahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?