9

Aug 27, 2020 @ 16:48
By

Duterte naghahanap na ng bagong PhilHealth chief

Matapos tanggapin ang resignation ni dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong mamumuno sa ahensiya, ayon kay Health Sec. Francisco Duque III.

“Si Pangulo right now is already looking for a replacement. So ang pinupuntirya natin sana within the week sana po ay magkaroon na ng bagong pangulo at punong tagapagpatupad ang PhilHealth,” wika ni Duque sa isang press briefing sa Laguna matapos ang paglulunsad ng COVID-19 mega quarantine facility.

Ani Duque, na chairman din ng PhilHealth board, hinahanap ng Pangulo ay iyong maalam sa pamamahala ng pera.

“Ang tagumpay ng PhilHealth ay nakasalalay po sa tinatawag nating actuarial sustainability,” aniya.

“Ngayon kung maalam din sa accounting, mas magaling. Kung mayroon din siyang background sa legal, magaling din. So ito ang mga katangian na hinanahap ng Office of the President para sa susunod na pangulo ng PhilHealth,” dagdag niya.

Kahapon nagbitiw si Morales dahil sa kanyang kalusugan. Nag-diagnose siyang may lymphoma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?