188

Feb 24, 2021 @ 20:47
By

Duterte nagdeklara ng special non-working day sa 3 lugar

Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng special non-working day sa tatlong lugar ngayong Pebrero at sa darating na Marso.

Special non-working day sa Zamboanga City sa Pebrero 26 habang Pebrero 27 sa General Santos City at Marso 2 naman sa lalawigan ng La Union, batay sa Proclamation Nos. 1103-1105.

Ito ay upang maipagdiwang ng mga residente sa mga nabanggit na lugar ang kani-kanilang okasyon na nakasunod pa rin sa mga health measure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?