59

Oct 7, 2021 @ 19:40
By

Duterte nagbantang ipakukulong mga senador

Ipakukulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador kapag hindi tinantanan ang mga miyembro ng gabinete sa walang katapusang pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa kanyang Talk to the People, binilinan ng Pangulo ang kanyang mga gabinete na huwag hayaang mabastos at sigaw-sigawan ng mga senador lalo na kay Senador Richard Gordon.

Pare-pareho lamang aniya silang mga trabahante ng gobyerno at kapag i-cite sila ng contempt matapos pagbawalang dumalo ay siya ang magpapakulong sa mga ito.

“Huwag ninyong hayaan na si Gordon o mga senador na magsigaw-sigaw sa inyo. Pareho lang tayo sa gobyerno. Pag i-cite kayo ng contempt, pag malaman ko, ang ikulong ko ang mga senador,” anang Pangulo.

Pero nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi siya nakikipag-away sa Senado, bagkus ay nagpapaalala lamang dahil ayaw niya ng gulo sa harap ng walang tigil na imbestigasyon ng komite ni Senador Gordon.

“I am giving this warning to the Senate. Ayaw ko ng gulo,” dagdag ng Pangulo.

Inalmahan ng Senado at maging ng Integrated Bar of the Philippines ang inilabas na utos ng Palasyo na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete at mga opisyal sa Ehekutibo na dumalo sa imbestigasyon ng Senado partikular sa komite ni Gordon dahil nadidiskaril ang trabaho ng mga gabinete lalo na sa pagtugpn sa COVID pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?