1,361
Mga banat ni Duterte sa mga pari, hindi pag-abuso sa freedom of speech - Panelo
By

Duterte nagbanta sa mga recruitment agency: Bilang na mga araw niyo!

Tapos na ang maliligayang araw ng mga recruitment agency na nagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa abroad kapalit ng malalaking placement fee.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) na bilisan ang pagtatatag ng Department of OFWs hanggang buwan ng Disyembre kung saan ang gobyerno na ang mangangasiwa sa recruitment at pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.

Sa kanyang talumpati sa Araw ng Pasasalamat sa OFWs sa Camp Aguinaldo Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na sa ganitong paraan ay matitigil na ang pang-aabuso sa mga OFW dahil hindi nasasala ang mga employer sa ibang bansa.

Hindi lingid sa Pangulo ang masaklap na karanasan ng maraming OFWs na minamaltrato ng mga amo o kaya ay hindi pinapasuweldo, hindi pinapakain at pinagsasamantalahan pa ng mga manyakis na employer.

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Duterte na ang gobyerno ang sasala sa mga employer na gustong kumuha ng manggagawang Pinoy para matiyak ang kaligtasan at maayos na sitwasyon ng mga ito sa ibang bansa.

“Kayong gustong pumunta ng abroad at ayaw ninyo ng problema, pumunta na lang kayo sa akin, kasi ako na ang magpatawag ng recruitment ‘yang mga p****** na ‘yan. Kasi lolokohin lang kayo. Pag nagsawa ako, ibawal ko ‘yang recruitment. Dito kayo sa gobyerno magpa-recruit. Kaya apurahin ko ‘yang Department of OFW. Bawal na ang recruitment sa labas. Kung gusto nila, diyan sila maglagay ng mesa. So under the supervision of government at walang horrendous charges. Hindi ako papayag na ganoon, pag naitayo ‘yan,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na may kapangyarihan siyang ipagbawal at i-regulate ang recruitment ng OFWs dahil inaabuso ito nang husto ng mga pribadong recruitment agencies.

“I have the power to do that because that kind of mechanism of recruiting FIlipino workers abroad have been abused and abused and abused at ang mga kababayan ko puro biktima, puro kawawa. Kaya kayong mga recruitment agecies, bilang na talaga ang araw niyo,” dagdag pa ng Pangulo.

Idinagdag pa ng Presidente na hindi katanggap-tanggap sa mga Pilipino ang nangyayari ngayon sa mga manggagawa sa abroad kaya panahon na para ang gobyerno ang mangasiwa sa superbisyon at kontrol sa recruitment para sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?