10

By

Duterte nagbabala sa PNP-Highway Patrol Group: ‘Wag pagkaperahan ang bagong motorsiklo

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at iba pang motorcycle units na huwag gamitin sa ibang paraan ang kanilang motorsiklo.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa closing ceremony ng Motorcycle Riding Course sa Davao City Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na huwag aniyang magpatukso na pagkakitaan ang mga isyung motorsiklo para sa pakinabang ng pribadong sektor.

“Let me remind you that whenever you use your motorcycles in the line of duty, you do so as agents of government and protectors of our people. Never allow yourselves to be tempted to make profit out of it by offering service to private sector,” anang Pangulo.

Mananagot aniya ang mga mahuhuli at mapapatunayang pulis na gagawa nito dahil hindi tamang gamitin ito sa ibang layunin.

“Thise caught in this kind of practice would have to be accountable to it. Dapat lang, it’s just right,” dagdag pa ng Pangulo.

Kadalasan ay nagsisilbing escort ng mga politiko ang ilang motorcycle cops, ang iba naman ay escort sa mga libing o kaya ay taga-hawi sa traffic ng ilang mayayamang negosyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?