By

Duterte, nag-Valentine’s Day sa Davao

Sharing is caring!

Umuwi sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte para magselebra ng Valentine’s Day kapiling ang kanyang partner na si Madam Honeylet Avanceña at bunsong anak na si Veronica.

Pagkatapos ng huling aktibidad ng Pangulo noong Martes ng gabi ay dumiretso na itong bumiyahe pauwi sa kanyang hometown.

Wala namang ibinigay na dagdag na impormasyon si Special Assistant to the President Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kung may espesyal na aktibidad ang Pangulo ngayong Araw ng mga Puso.

Wala ring inilabas na official schedule ang Malacañang para sa Pangulo ngayong Miyerkoles.

Matatandaang noong nakalipas na Valentine’s Day ay sa Davao City din nagselebra ang Presidente sa piling ng kanyang pamilya.

Nagpadala rin ito ng bulaklak at cake sa kanyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman na ina nina Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, Paolo at Sebastian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?