135
rodrigo-duterte
By

Duterte nag-sorry sa HK, China sa Luneta hostage crisis

Sharing is caring!

Matapos ang ilang taong pagtanggi ng nakaraang administrasyon, pormal nang humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Hong Kong para sa Luneta hostage crisis noong Agosto 23, 2010.

Ginawa niya ito sa kanyang talumpati sa harap ng nasa 2,000 miyembro ng Filipino community sa Hong Kong.

Sa kanyang mensahe, personal itong humingi ng paumanhin sa mga mamamayan ng China bilang Pangulo ng Pilipinas at ginarantiya din na hindi na mauulit pa ang nasabing pangyayari.

Matatandaang mula noong 2010, wala pang pormal na paghingi ng tawad mula kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa madugong insidente na ikinamatay ng 9 na katao, kasama ang hostage-taker at walong turista mula sa Hong Kong dahil sa palpak diumano na operasyon ng Manila Police District para mailigtas ang mga hostage.

Dahil sa nasabing insidente, lumala ang relasyon ng Pilipinas at China na nagkalamat dahil sa agawan sa West Philippine Sea.

Nangyari ang Luneta hostage-taking nang bihagin ng dinismis na pulis na si Rolando Mendoza ang isang tourist bus sa Quirino Grandstand kung saan naka-sakay ang may 25 katao kabilang ang 20 turista at isang tourist guide mula sa HK at apat na Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?