141

By

Duterte nag-sorry sa Diyos

Humingi ng tawad sa Panginoon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag nito na “stupid God”.

Sinabi ng Pangulo na sorry na lamang kung inakala ng publiko at pati ng kanyang mga kritiko na ang binanggit niyang Diyos ay Diyos ng lahat.

Binigyang-diin ng Presidente na ang kinikilala niyang Diyos ay hindi katulad ng Diyos na kilala ng iba.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang kanyang Diyos ay Diyos na mapagpatawad at hindi nagtatanim ng galit sa kanyang mga nagawang pagkakamali.

At sa harap ng paghingi ng paumanhin, nanindigan ang Presidente na tanging sa Diyos lamang siya hihingi ng kapatawaran at hindi sa kanino pa man.

“I only apologize to God, nobody else. If I wronged God, he would be happy to listen to me. Why because my God is forgiving. Why? Because he does remember …why? Because God created me to be good and not to be bad,” anang Pangulo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?