307
duterte1
By

Duterte nag-sorry na sa pagmumura kay Obama

Humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging asal nito kay dating US President Barack Obama.

Ngayon daw na hindi na presidente ng Amerika si Obama, nais ni Digong na humingi ng tawad dahil sa nasabi nitong “p*tang ina” at “go to hell” noong binabatikos ni Obama ang war on drugs campaign ni Duterte.

“It would be appropriate also to say at this time that, Mr Obama, you’re a civilian, I am sorry for uttering those words. It was plain ‘talkatese’ or so like yours,” saad ni Duterte sa kanyang naging speech sa bansang Israel sa Jerusalem.

Napatawad na rin umano niya si Obama na nag-ugat ng sabihan ng US President na gawin sa tamang paraan ang pagsugpo sa iligal na droga at tigilan ang madugong laban kontra dito.

“We have learned our lessons very well. Nagkakaintindihan tayo so if it is in your heart to forgive, you forgive. I have forgiven you,” sambit ni Digong. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?