192
Palasyo: Duterte hindi inatake sa puso
Jun 1, 2019 @ 21:12
By

Duterte nag-ninong sa kasal ng kanyang aide

Matapos ang ilang araw na trabaho sa Japan ay hinarap naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo sa kasal ng isa sa kanyang aide.

Ninong ang Pangulo kasama si Senator-elect Bong Go sa kasal nina 1Lt. Jan Carlo Tabaculde at 1Lt. Kerlyn Kaye Asuncion na ginanap sa St. Ignatius of Loyola sa Quezon City Sabado ng hapon.

Batay sa mga kuhang larawan ni Go, kasama ring ninong sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, Senator-elect Ronald dela Rosa at ilan pang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Isinagawa ang reception ng kasal sa AFP Commissioned Officers Clubhouse sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-ninong sa kasal ang Pangulo dahil siya rin ang isa sa principal sponsors sa kasal ng kanyang police aide at dating Miss Earth candidate na si Sofia Abdurajak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?