19

Sep 17, 2020 @ 14:31
By

Duterte nag-motorsiklo sa loob ng Malacañang

Super miss na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte, 75, na sumakay sa motorsiklo, kaya ginawa niya na ito sa loob mismo ng Malacañang compound.

Binahagi ng kanyang dating aide at ngayo’y Senador Bong Go ang larawan ng pag-upo ni Duterte sa motorsiklo.

Inalalayan din siya ng senador at ng mga tauhan ng Presidential Security Group. Hindi naman sinabi ng senador kung bumiyahe nga ang Pangulo.

“Gusto na talagang Mag Motor ni Tatay Digong! Sobrang nami-miss nya ang pag sakay! Muntik ng di maawat ng PSG!,” kwento pa ni Go kagabi.

Maaalalang noong nakaraang Oktubre, sumemplang si Duterte sa motorsiklo at
sumakit ang likod kaya hindi niya na tinapos ang dapat sana’y 3-araw na biyahe sa Japan at bumalik agad ng ‘Pinas.

“Alam mo four days ago sumemplang ako sa motor. Eh pag nakamotor ka talagang once or twice sa buhay mo, makatikim talaga ng semplang. Lahat ng nagmo-motor sumesemplang, gaya sa akin. Ang ano lang parang hindi ko matiis ‘yung… sa belt banda, three inches medyo masakit,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?