63

Jan 4, 2018 @ 8:37
By

Duterte nag-lecture sa PNP, BFP sa emergency situation

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng lecture kaugnay sa maagap na pagtugon sa mga emergency situation na ginanap sa Panacan, Davao City.

Wala sa official schedule ng Pangulo ang lecture subalit naka-post ito sa social media ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ang lecture ng Pangulo ay may kinalamaman sa 911 emergency responses, warrant and seizure na dinaluhan ng mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) , Bureau of Fire Protection (BFP) at Highway Patrol Group (HPG).

Nais ng Pangulo na mag-“back to work” agad ang lahat para simulan ang bagong taon ng may pag-asa.

Matatandaang bago magtapos ang 2017 ay naging sunod-sunod ang trahedya sa bansa partikular ang magkasunod na pananalasa ng bagyong Urduja at Vinta at ang malagim na sunog sa isang mall sa Davao City na nagresulta sa pagkasawi ng maraming buhay. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?