By

Duterte nag-Jollibee sa Hong Kong

Sharing is caring!

Nasorpresa ang mga customers at staff ng Jollibee outlet sa Hong Kong dahil sa biglaang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kasamahan para maghapunan kagabi bago nakipagkita sa filipino community.

Agad na pinagkaguluhan ang Presidente, partikular ang mga overseas filipino workers na nagkataong nasa loob din ng food outlet.

Mismong ang Pangulo ang pumili ng kanyang order sa counter.

Kasama ng Pangulo na naghapunan aa Jollibee outlet ang partner na si Honeylet Avanceña, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Special Assistant to the President Bong Go.

Habang naghahapunan ay inimbitahan ng Pangulo si Alma O. Pardillo, isang ofw na nagkataong may problema sa kanyang pamilya.

Ikinuwento ni Pardillo sa Pangulo ang problema sa siyam na taong gulang na anak na may sakit sa baga.

Nangako si Pangulong Duterte na ipagagamot ang anak nito at babayaran ang pamasahe ng ofw para makadalo sa graduation ng kanyang anak.

Gayonman, hindi binanggit kung taga- saan sa Pilipinas si Pardillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?