144

Oct 6, 2017 @ 14:36

Duterte nag-appoint ng bagong judge sa CA

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Quezon City Regional Trial Court Branch Judge Tita Marilyn B. Payoyo-Villordon bilang bagong mahistrado ng Court of Appeals (CA).

Kabilang si Judge Villordon sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Office of the President  matapos ang deliberasyon at botohan.

Pinalitan niya si Appellate Court Associate Justice Francisco  P. Acosta na sumapit na sa itinatakdang mandatory age of retirement na 70 noong Abril 2.

Sa ipinadalang transmittal letter ni  Executive Secretary Salvador Medialdea kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno,  na natanggap noong October 4, 2017,  nakasaad na si Judge Payoyo-Villordon ay itinatalaga ng Pangulong Duterte bilang kahalili ng nagretirong si Justice Acosta.

Kabilang sa mga nakatatak na desisyon ni Villordon bilang huwes ng QC RTC ang pagsentensya niya ng mula 13 hanggang 19 na taong pagkabilanggo kay Angelica Fajardo, cashier  at officer-in-Charge ng Division Chief III ng Prize Payment Division ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa pambubulsa ng P1.9 milyong lotto prizes.

Sa kanyang sala rin bumagsak ang kasong illegal possession of firearms, explosives and ammunition laban kay Dating Abra Governor Vicente Valera. (Ma. Isabel Billiones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?