6

Jan 18, 2021 @ 15:58

Duterte nabakunahan na? Haka-haka ‘yan – Roque

Tinanggi ng Palasyo na naturukan na ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte.

May kumalat na sabi-sabi na si Duterte, kasama ng ilang tauhan ng Presidential Security Group (PSG), ay binakunahan na gamit ang coronavirus vaccine na gawa ng China.

“Haka-haka lang po yan,” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Lunes, sa isang televised briefing.

Una nang inamin ni PSG commander Brig. Gen. Jesus Durante III na noon pang Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon nagturok ng coronavirus vaccine ang mga PSG personnel sa kanilang mga sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?