By

Duterte naaawa kay Trump dahil sa iligal na droga

Sharing is caring!

Kung malaki ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga ay mas malala ang problema sa Estados Unidos.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na harap-harapan at parang ginawang tiangge ang bentahan at paggamit ng iligal na droga sa Amerika kaya naaawa aniya ito kay US President Donald Trump.

Hindi aniya mapigil ng US President ang pagkalat ng illegal drugs kaya kawawa ang mga Amerikano.

Napanood aniya nito sa isang film documentary kung gaano katalamak ang drug problem sa Amerika na talagang mahirap malutas.

“In Baltimore capital of, their capital of America. Harap-harapan parang tiangge talaga. Naawa ako sa Amerikano, pati kay Trump. Hindi nila mapigil. Harap-harapan ang transaction. Cocaine, marijuana, heroin. Kawawa.

“Kung meron kayong internet, doon sa documentary. ‘Yung Dope. Kawa — ako naawa ako sa Amerika. Hindi nila talaga kaya. Ayaw nilang pumatay eh. Doon, harap-harapan. Pasa-pasahan. ‘Pag parking, o bigay. P***** i** gawin mo ‘yan dito, ah sigurado. Buti pa maghanap ka na ng pre-need diyan sa…,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi uubra sa bansa ang mga estilong ginagawa ng mga sindikato sa droga sa Amerika dahil hindi niya papayagan ito sa mga Filipino.

“You know, I said when I became mayor, when I ran, I said and I said it when I was President, do not destroy my country because I will kill you. ‘Yung hindi naniwala niyan, talaga — Eh wala akong magawa, sinabi ko ng… ‘do not destroy the young of the land because I will really kill you.’ period,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?