85

Oct 3, 2017 @ 17:32

Duterte na-swindle sa pekeng impormasyon – Trillanes

Ibinunyag ni Senador Antonio Trillanes IV na naloko si Pangulong Rodrigo Duterte ng taong nagbenta sa kanya ng impormasyon hinggil sa kanyang mga bank accounts.

Sinabi ni Trillanes na nilapitan si Pangulong Duterte ng “swindler” at ibinenta ang mga impormasyon sa kanyang mga accounts kasama ang mga pangalan ng mga umano’y kajoint account nito.

“Binili ung bogus kasi ung nagbebenta ang postura nya dati raw siyang Federal agent so ito namang mga ano raw binili. Sinabihan na si Duterte na gawa gawa lang yan inilabas pa uli para lang may masabi,” pahayag ni Trillanes.

Gayunman, lumitaw na bogus ang mga ibinigay sa Pangulp na account numbers na kanya na rin namang napatunayan.
“Binili nila itong bogus na dokumento akala nila totoo e naswindle sila,” natatawa pang pahayag nh senador.

Binigyang diin ni Trillanes na malinaw maman sa taumbayan kung sino ang nagsisinungaling hinggil sa mga bank accounts.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?