23

Sep 7, 2021 @ 16:26
By

Duterte muling haharap sa publiko

Muling haharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ngayong Martes ng gabi para talakayin ang ginagawang pagtugon sa COVID pandemic at iba pang mahahalagang isyu.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Malacañang.

Sinabi ng kalihim na isa lang ang nakatakdang pulong ng Presidente bago ang kanyang Talk to the People kaya umaasa itong mai-broadcast kaagad.

“Mamaya po itutuloy yung Talk to the People. At sana ma-broadcast on the same day. Ang alam ko meron lang namang isang meeting ahead of time. So sana ma-broadcast same day,” ani Roque.

Matatandaang minsan ay inaabot ng dalawang oras ang Talk to the People ng Presidente dahil sa maraming pulong at mga aktibidad nito kaya kinabukasan na ito ipinapalabas sa government television station.

Kasabay nito kinumpirma ni Roque na tuloy ang national convention ng PDP Laban ngayog Miyerkules.

Pero sinabi ni Roque na sa halip na gawin ito sa original venue sa Bulacan ay ililipat ito sa San Fernando City, Pampanga.

Posible aniyang personal na dadalo ang Presidente subalit maaari ring sa pamamagitan ng virtual appearance nito.

“And I also know that PDP Laban convention will proceed as scheduled at a different venue dahil MECQ sa original venue nila sa Bulacan and apprently have transferred to Pampanga and there’s a possibility that the President will make a personal appearance pero may back up din po na virtual appearance,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?