59

Sep 16, 2021 @ 21:27
By

Duterte muling dinepensa paggamit ng face shield

Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng face shield kontra COVID-19.

Sabi ng Pangulo, maliit na abala lamang ito kumpara sa pagkakasakit o pagkamatay sa virus.

“Itong face shield will provide an added premium of prevention. It might not really be a big percentage, but even if it’s just 5% more protected because you have the shield, mas maganda na ‘yan.

“Ano ba naman iyang inconvenience [compared] to getting sick and probably dying,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?