716
Pagpapatigil sa speech ni Duterte sa Japan, ‘di dapat palakihin – Panelo
Jul 17, 2019 @ 11:30
By

Duterte most trusted gov’t official – Pulse Asia

Si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang pinakapinagkakatiwalaang government official, ayon sa bagong inilabas na Pulse Asia survey.

Sa naturang poll na ginawa noong Hunyo 24 hanggang 30, nakakuha ng 85 percent approval at trust rating si Duterte, pinakamataas sa mga opisyal sa gobyerno sa kasalukuyan.

Samantala, binigyan naman ng 55 percent approval at 52 percent trust rating si Vice President Leni Robredo, habang may 77 percent approval rating at 74 percent trust rating si Senate President Tito Sotto.

Samantala, si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo naman ang nakakuha nang may pinakamababa sa 26 percent approval rating at 22 percent trust rating.

1,200 respondent ang sumagot sa survey, 3 porsyento lamang dito ang nagsabing hindi sila pabor sa pamamalakad ni Duterte at apat na porsyento naman ang nagsasabing wala silang tiwala sa Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?