6,875
Duterte maayos na ang pakiramdam – Panelo
By

Duterte: Mga obispo tamaan sana ng meteorites sa ulo!

Bumanat na naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika, matapos sabihing tamaan sana ng maliliit na meteorites ang ulo ng mga obispo.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa National Baptist Day sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi, Enero 16.

May problema aniya sa mga Katolikong obispo dahil sinabihan siyang hindi naniniwala sa Diyos.

Noong unang panahon lamang aniya ang mga ganitong paniniwala, na kapag binatikos ang alagad ng simbahan ay ituturing na pagano o hindi naniniwala sa Diyos.

“I hope that some little meteorites will hit all the bishops in the head. Something is wrong with them. Because they started to fight and they told me that I am a heretic…why should I?,” anang Pangulo.

Ayon kay Duterte, mas mabuting manahimik na lang ang mga alagad ng simbahan dahil kapag pinupuna niya ang mga ito ay mayroong basehan ang ginagawa ng mga ito, partikular ang ilang pari at obispo.

Binubuntis aniya ng ilang alagad ng simbahan ang maraming kababaihan, at ang iba ay pinapatay pa kaya manahimik aniya ang mga ito.

Babaero aniya ang mga ito katulad niya, pero pabirong sinabi ng Presidente na “retired” na ito sa pambababae.

“You shut up. When I criticize, it’s because you are doing it. You are impregnating so many women, you are even killing women. You shut up because you are a womanizer– like me, but I’m retired,” hayag ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?