188
Sa isang talumpati ng Pangulo sa naganap na kick-off rally ng mga senatorial bet sa ilalim ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan noong Pebrero 14, muli na namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at Obispo. Saad niya sa kaniyang speech, marami aniyang pera ang mga Obispo kaya ang mga ito ang holdapin. Dagdag pa nito, sakaling manlaban ang hinoholdap na Obispo ay patayin ito. “Holdapin ninyo ‘yung obispo ninyo, maraming pera ‘yan. Kapag lumaban, patayin mo. Maglibing tayo ng obispo,” saad ng Pangulo. Pagpapatuloy pa nito, ang ayaw niya umano sa Katoliko ay ito ang pinaka-ipokritong institusyon. Muling isinalaysay ng Pangulo ang ginawang pangmomolestiya sa kaniya at sa kaniyang mga kaklase noon ng mga pari. (Jobelle Macayan)
By

Duterte: Mga Obispo holdapin, patayin!

Sa isang talumpati ng Pangulo sa naganap na kick-off rally ng mga senatorial bet sa ilalim ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan noong Pebrero 14, muli na namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at Obispo.

Saad niya sa kaniyang speech, marami aniyang pera ang mga Obispo kaya ang mga ito ang holdapin.

Dagdag pa nito, sakaling manlaban ang hinoholdap na Obispo ay patayin ito.

“Holdapin ninyo ‘yung obispo ninyo, maraming pera ‘yan. Kapag lumaban, patayin mo. Maglibing tayo ng obispo,” saad ng Pangulo.

Pagpapatuloy pa nito, ang ayaw niya umano sa Katoliko ay ito ang pinaka-ipokritong institusyon.

Muling isinalaysay ng Pangulo ang ginawang pangmomolestiya sa kaniya at sa kaniyang mga kaklase noon ng mga pari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?