119

Oct 17, 2021 @ 15:16
By

Duterte memorandum ikondena – De Lima

Hinimok ni Senadora Leila de Lima ang Kongreso na igiit ang kanilang Constitutional power upang ikondena ang memorandum na inisyu ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa mga opisyal at kawani ng ehekutibo na boykotin ang pagdinig ng Senate blue ribbon sa mga iregularidad sa pagbili ng COVID-19 pandemic supply.

Sa Senate Resolution 931 na inihain ni de Lima, nagpapahayag ito ng pagkondena sa naturang memorandum dahil paglabag aniya ito sa power of legislative inquiry ng Senado at sa karapatan sa impormasyon ng mamamayan.

“It is imperative that this Senate assert its constitutional powers and condemn the practices that disrespect and weaken our institution, lest we establish a precedent that would diminish this chamber’s very role in our democracy,” sabi ni De Lima.

Sa public address noong Setyembre 14, sinabi ni Duterte na ilan sa mga resource person, lalo na iyong mula sa Executive Department na dumalo sa pagdinig sa Senado ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maglabas ng kanilang mga testimonya.

“This time, I will require every Cabinet member to clear with me any invitation and if I think, that he will be called for walang silbi [no purpose] except to harass, to be berated in front of the republic, eh hintuin ko na yan at pagbawalan ko na,” sabi ng pangulo.

Noong Oktubre 4, naglabas si Executive Secretary Salvador Medialdea ng isang memorandum kung saan inaatasan ng pangulo ang lahat ng opisyal at kawani ng ehekutibo na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Dahil sa memorandum, ilan sa mga opisyal ng ehekutibo, tulad nina Health Secretary Francisco Duque III at DBM officer-in-charge Jasonmer Uayan ay hindi na dumalo sa pagdinig ng komite noong Oktubre 5.

“The absence of those executive officials appeared to have encouraged Atty. Christopher Lloyd Lao to likewise skip the same hearing, even though he is no longer part of the Executive Department,” sabi ni De Lima. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?