51

Jul 18, 2018 @ 18:40
By

Duterte may tiwala pa rin kay Bello – Palasyo

Nananatili pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa harap ito ng ulat na iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Graft Commission (PACC) si Bello sa isyu umano ng extortion .

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bahala na ang PACC kung ano ang magiging disposisyon sa reklamong inihain laban sa kalihim.

“That’s [PACC] up to them. Yes, he still has the trust and confidence of the President,” ani Roque.

Nag-ugat ang isyu sa umano’y panghihingi ni dating Labor Undersecretary Dominador Say ng salapi sa ilang recruitment agencies kapalit ng hindi pagbawi sa lisensiya ng mga ito, at may basbas umano dito ang kalihim ng DOLE.

Mariin namang itinanggi ni Bello ang akusasyon laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?