174

Oct 18, 2019 @ 17:30
By

Duterte may suot na portable air purifier sa pag-welcome sa Indian president

Idinaos sa loob ng Malacañang ang welcome ceremony para kay Indian President Ram Nath Kovind matapos umambon bago ang kanyang pagdating nitong Biyernes ng hapon.

Nakalatag na ang red carpet pati na ang preparasyon para sa trooping the line subalit dahil sa ambon ay nagpasya ang Palace protocol na gawin ang seremonya sa loob ng Palasyo.

Mainit na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Indian President kung saan nagkumustahan ang mga ito at saglit na pinanood ang cultural presentation bago simulan ang expanded bilateral meeting.

Naging kapansin-pansin ang suot na portable air purifier ni Pangulong Duterte subalit hindi naman masabi ng mga opisyal ng Palasyo kung may kinalaman ito sa kondisyong pangkalusugan nito.

Unang napansin ang suot-suot na portable air purifier ng Presidente noong 42nd cabinet meeting noong nakalipas na Biyernes.

Ilang kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at India na sasaksihan nina Pangulong Duterte at President Kovind.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?