duterte-sign
By

Duterte may sisibakin pang isang government official

Sharing is caring!

Namimiligrong madagdagan na naman ang listahan ng mga opisyal na nasibak sa puwesto matapos nagpahaging si Pangulong Rodrigo Duterte na may susunod dahil sa panay-panay na biyahe.

Sinabi ng Pangulo na panay ang ikot sa ibat-ibang bansa ang nasabing opisyal para sa climate change conference pero wala naman aniya siyang nakitang pagbabago para mabawasan ang epekto ng climate change sa bansa.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga bansang Brussels, Belgium, Tokyo sa Japan, Indonesia at Africa sa mga nilibot ng hindi pinangalanang opisyal para dumalo sa climate change conference na ginastusan ng milyong piso pero walang nakitang improvement sa bansa.

“There’s another one coming up. I think that… You know if you go to other places to attend important meetings that would — may affect the country, I would appreciate it. If it’s really — comes from the heart whether to do work, task.

Pero kung climate change dito sa Brussels, then climate change sa Tokyo, climate change dito sa Indonesia, climate change sa Africa, nandoon ka, tapos ang t*** i***** ‘yan ang bagyo pinup**** dito ‘yung isa, palabas ‘yung isa and there’s flood and everything. You have spent millions for that and I do not see any improvement,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi niya masabi sa dami ng mga lumalapit sa kanya kung sino sa mga ito ang totoong kasama niya sa pagsusulong ng pagbabago dahil ilan sa mga kakilala at kaibigang nag-udyok sa kanya para tumakbo ay siya ring unang nasibak dahil sa katiwalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?