64

By

Duterte may sisibakin pang 2 opisyal – Palasyo

Sharing is caring!

Dalawa pang opisyal ng pamahalaan ang namimiligrong masibak sa puwesto at posibleng madagdag sa humahabang listahan ng mga pinatalsik sa puwesto.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinisiyasat na ng Presidential Management Staff (PMS) ang reklamo laban sa dalawang opisyal matapos makatanggap ng liham.

Ayon kay Roque, marami pa ang aasahang masisibak sa puwesto sa mga susunod na araw sa sandaling matapos ang imbestigasyon laban sa mga ito.

Kahit aniya abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa maraming bagay ay nagagawa pa rin nitong magbasa ng mga sulat at reklamong ipinaparating sa kanyang tanggapan.

“Ay naku madami pa po. Sabi ko nga ,kasi huwag nating isipin na ang Presidente palibhasa napakaraming nagpapadala ng liham eh hindi pinapansin iyong mga reklamo ‘no ang totoo po— pinapansin po niya ‘no. Ngayon po alam ko mayroon pang dalawang pending na reklamo diyan at pinatitingnan po talaga iyan sa Presidential Management Staff,” ani Roque.

Kabilang sa reklamo ang malimit na biyahe, na isa aniya sa ayaw na ayaw ng Pangulo ang pagsasamantala sa pera ng taong bayan.

Sinabi ni Roque na malinaw ang patakaran ni Pangulong Duterte sa mga taga-gobyerno at ito ay maging simple at iwasan ang korapsiyon.

“Kapag ikaw ay grabe-grabe na magbiyahe ‘no. So, I guess reflected na rin iyan kung paano iyong perspektibo mo sa panunungkulan sa gobyerno ‘no. At ang bibliya naman ng Presidente iyong ating Saligang Batas dapat eh—public service is a public trust, kinakailangan simple ang buhay at siyempre iyong mga batas na umiiral laban sa anti-graft,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }