14

May 3, 2021 @ 15:42
By

Duterte may napili nang susunod na PNP chief

Inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na may nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na Philippine National Police (PNP) chief.

Ngunit ayon kay Roque, hindi niya pa ito puwedeng pangalanan.

“I know he has made the decision but I’m not at liberty to announce anything unless I have the appointment paper,” saad ng tagapagsalita ng Pangulo.

Matatandaan na nagpasa na si Interior Secretary Eduardo Año ng listahan kung saan isang pangalan lang ang nilagay nito para sa rekumendasyong maging sunod na PNP chief.

Sa Mayo 8 ay nakatakdang magretiro si Gen. Debold Sinas bilang top official ng PNP.

“Within the next few days, bago matapos ang linggong ito ay magkakaroon ng anunsyo ang ating Pangulo kung sino ang kanya pipiliin dahil may karapatan ang Pangulo na pumili from any of the star-ranked of the Philippine National Police,” saad naman ni DILG spokesperson Jonathan Malaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?