66

Dec 4, 2019 @ 16:52
By

Duterte may napili nang bagong Army chief

Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na mamumuno sa may 98,000 na miyembro na Philippine Army.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ito’y sa katauhan ni Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Si Gapay ay miyembro ng Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986 kung saan nagtapos itong topnocher ng kanilang batch.

Papalitan niya si Lt. General Macairog Alberto na aabot na sa compulsory retirement age na 56-anyos sa Disyembre 6, 2019.

Bago ang kanyang huling assignment sa Southern Luzon Command, si Gapay ay nagsilbi bilang commander ng Mechanized Infantry Division at deputy commander ng Eastern Mindanao Command na nakabase sa Davao City.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. General Edgard Arevalo na mayroong limang kandidato para sa pinakamataas na puwesto ng Philippine Army at isa na sa pagpipilian ay si Gapay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?