705

Feb 13, 2020 @ 18:22
By

Duterte may ‘final say’ sa prangkisa ng ABS-CBN

Kumakalas na ang ilang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, sinusuportahan ng mayorya sa Senado ang renewal ng franchise ng network.

“The Senate has a majority supporting the franchise renewal of ABS-CBN, with no less than Senate majority Leader Miguel Zubiri announcing it. The Palace should take notice that the Senate is breaking rank from the President and Congress,” sabi ni Ridon.

Ayon kay Ridon, na dating miyembro ng House Franchise Committee, pangunahing pananagutan ng Kongreso kung bakit naantala ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi sapat na gawing dahilan nito na kinulang lamang ito sa oras.

“As in all legislative measures, pag gusto maraming paraan. Pag talagang ayaw, maraming dahilan. If they feel that the franchise should be rejected, let the sword fall where it should,” sabi ni Ridon.

Dagdag pa niya, kung talagang gusto ng Kongreso na desisyunan ang prangkisa ng ABS-CBN, wala namang pumipigil dito dahil anim pa nga ang inaprubahan nitong franchise renewal nung 2019: yung sa First United Broadcasting Corp., Golden Broadcast Professional Inc., Gold Label Broadcasting System Inc., Broadcast Enterprises and Affiliated Media Inc., at Bicol Broadcastings System Inc.

Sabi ni Ridon, apat sa mga ito ay national ang scope, katulad sa franchise na mayroon ang ABS-CBN.

Kung tutuusin, sinangkalan na ng Malacañang ang Congress nang naghugas-kamay ito sa problema ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Ridon, “Ultimate accountability at this point rests on Congress and no one else, not even the President.”

Nakapagbibigay man ng lakas ng loob sa ABS-CBN ang mga salita ng suporta mula sa mga congressmen at senador, kailangang tandaan na na kay Pangulong Duterte pa rin ang “final say” pag natapos na ang prangkisa nito sa Marso 30.

“The President can still order the uniformed personnel and other agencies to literally and figuratively shutdown the network after March 30. With no favorable presidential announcement in sight, the public should brace for this unfortunate prospect,” sabi ni Ridon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?