13

Jan 18, 2021 @ 14:10
By

Duterte mauunang magpabakuna para sa ikapapanatag ng publiko – Roque

Maaaring magboluntaryong mauna si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine kung natatakot ang publiko sa bakuna.

Ayon ito kay presidential spokesperson Harry Roque kanina.

“Kung sa tingin niya (President Duterte) ay natatakot ang mga tao sa bakuna ay hindi naman po siya mag-aatubili na mauna,” saad niya.

Ito ay kaugnay sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat isa si Duterte sa mga mauunang mabakunahan upang tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Sinabi kasi ng Pangulo na magpapahuli siyang magpabakuna upang magbigay-daan sa mga unang prayoridad tulad ng mga medical frontliner.

“Basta ang sa kaniya, interes ng taumbayan bago ang interes ng mga nakaupo,” giit ni Roque.

Sa isang survey ng OCTA Research, lumalabas na isa lamang sa apat na mga respondent sa Metro Manila ang nais mabakunahan kontra COVID-19.

Samantala, inaasahan na ng bansa ang pagdating ng unang suplay ng bakuna sa Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?