17

Jul 15, 2021 @ 11:04
By

Duterte mataas proteksyon sa COVID, hindi tuturukan ng booster shot

Walang pangangailangang magpaturok ng booster shot si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makumpleto ang kanyang bakuna.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ulat na nagpaturok ng dalawang doses ng Pfizer si Congressman Ronaldo Zamora matapos mag-zero ang antibody nito kahit bakunado na ng Sinopharm.

Sinabi ni Roque na hindi na kailangan ng booster shot ng Pangulo dahil mataas ang antibody nito kahit pareho sila ni Zamora ng ginamit na brand ng vaccines.

Sinabi aniya ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People na sinuri siya at napakataas ang kanyang antibody count.

“Hindi po. Dahil sa Talk to the People, sabi naman ni Presidente kinuha ang kanyang antibodies at napakataas ng kanyang antibody count,” ani Roque.

Unang nabakunahan si Pangulong Duterte noong Mayo gamit ang Sinopharm brand ng COVID vaccine at makalipas ang 70 araw ay tinurukan siya ng pangalawang dose na naganap noong Lunes.

Ang Sinopharm vaccine ang inirekomenda ng mga doktor na ng Presidente batay na rin sa kundisyong pangkalusugan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?