107

Oct 16, 2017 @ 17:41

Duterte masaya sa pagkamatay ni Hapilon

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang balita na na-neutralized na si Isnilon Hapilon, ang tinaguriang “EMIR”  ng Islamic State in Iraq and Syria  o ISIS  sa  Asya na  nanguna  sa  pagsalakay sa  Marawi City.

Agad  na  ipinaabot  ni Pangulong  Duterte sa  liderato ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) ang  pagbati sa  mga  sundalong  nasa Marawi City dahil sa  matagumpay  na  pag-neutralized  kay Hapilon at  Omar  Maute   kahapon ng  madaling  araw.

Ayon sa  isang  opisyal, gustong  pumunta agad  ng  Pangulo sa Marawi City  subalit  pinigilan  siya  ng  mga security officials dahil mainit  pa  ang  emosyon ng  mga natirang  terorista sa  pagkamatay  ng  kanilang  mga  lider.

Sinabi naman  ni Presidential Communications  operations  office  Secretary Martin Andanar na  tagumpay  ang  laban ng  gobyerno sa  terorismo at  ipinaabot  nito ang  pagbati sa mga  sundalo.

“This clear victory against terrorism proves the Duterte administration’s resoluteness in delivering on its promise of peace and prosperity to the people of Mindanao .Bravo Zulu to the AFP. We look forward to raising Marawi from the ashes of conflict and building in a new era where people from the farthest reaches of this Republic can share in the boon of progress,” ang  pahayag  ni  Andanar.

Ngayong napatay na aniya  ang mga lider ng terorista na umatake sa Marawi City ay umaasa ang gobyerno na makababangon na ang lungsod mula sa pagkakasadlak nito sa giyera. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?