24

Mar 4, 2021 @ 20:13
By

Duterte mas gusto Sinopharm vaccine kaysa produkto ng puti

Bakunang gawa sa China ang personal choice ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang Sinopharm vaccine kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ng Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng mga bagong school building sa Bulakan, Bulacan at Valenzuela City nitong Huwebes.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang gusto niyang bakuna laban sa COVID-19 ay produkto ng Sinopharm mula sa China at hindi mga bakunang gawa ng puti o Amerika.

“Ang akin is Sinopharm, China. Hindi masyado ako maano diyan sa mga produkto ng puti. So ganoon,” anang Pangulo.

Gayunman, wala pang Sinopharm vaccine na dumating sa bansa.

Galing sa China ang unang batch ng bakuna na natanggap ng gobyerno sa pamamagitan ng Sinovac Biotech at sinabi ng Pangulo na madaragdagan pa ang matatangap ng gobyerno ng 400,000.

“I will be receiving another batch. China would give us another 400,000 making their donation to this country one million,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?