By

Duterte, maraming ‘good news’ sa Labor Day

Sharing is caring!

Pag-uusapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III ngayong hapon ang mga posibleng iaanunsiyo para sa Labor Day celebration bukas, Mayo 1 na gagawin sa Mabolo, Cebu City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na anuman ang mapagkasunduan o mapag-uusapan ay siyang ibabalita bukas ng Pangulo sa mga manggagawa.

Hindi makumpirma ni Roque kung pipirmahan o hindi ni Pangulong Duterte ang Executive Order para matuldukan ang sistemang endo o end of contract para sa mga arawang manggagawa.

Marami aniyang good news na ibabalita ang Pangulo sa mga manggagawa kaya’t hintayin ang magiging mensahe nito sa Labor Day.

“Napakadami namang good news na ibibigay ang Presidente. First time, libreng tuition sa state universities and colleges; libreng patubig; libreng— ang dami niyan na ngayon lang binibigay ni Presidente. Pero mamayang hapon po ay magpupulong si Secretary Bello at saka si Presidente for whatever may be released tomorrow in Cebu. I can confirm that there might be an EO that may or may not be signed depending on their meeting tonight,” ani Roque.

Bagama’t sa Cebu ang sentro ng selebrasyon ng Labor Day, magkakaroon ng sariling programa at kilos-protesta ang mga militanteng manggagawa sa Metro Manila na magsisimula sa Welcome Rotonda, sa Quezon City hanggang sa paanan ng Mendiola sa lungsod ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?