447
Duterte
Jan 16, 2018 @ 22:17
By

Duterte marami pang sisibaking opisyal ng gobyerno

Aasahan ang mas marami pang opisyal ng gobyerno na masisibak sa mga darating araw.

Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng mga bagong kagamitan ng Philippine Air Traffic Management Center sa Pasay City.

Marami pa aniya siyang sisibaking mga opisyal ng gobyerno kasabay ang babala sa mga mahilig maglakwatsa sa abroad na mas mabuting umalis na lamang sa gobyerno kaysa mapahiya .

Sinabi ng Pangulo na tuloy tuloy ang gagawin niyang paglilinis sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Sakali aniyang nais mag-abroad ng isang opisyal o kawani ng gobyerno, kinakailangang ipaliwanag muna kung ano ang mapapala ng bayan sa biyahe nito.

Sinabi ng Presidente na hindi siya ipokrito at nagmamalinis na trabahador ng gobyerno dahil may mga pagkakamali rin siya subalit hindi sa usapin ng pera ng bayan.

“Im on a purging spree. And I will continue to do this, I suppose I’ll do it tomorrow. I’ll be firing more people from government. And those who are into the wander lust or are itchy for travel and wasting the many, many things that you do there without necessarily an impact on the lives of the people, better think of resigning,” ang pahayag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: