963

By

Duterte: Maniwala sa Diyos, pero huwag paloko sa relihiyon

Sharing is caring!

Tuloy-tuloy ang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga obispo kung saan kinuwestiyon niya ang pagiging banal ng mga ito.

Sa kanyang talumpati sa ika-85 anibersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na mga ipokrito ang mga bumabanat sa kanya dahil ang iba sa mga ito ay may itinatagong mga anak.

“Do not be hypocrites sabi nga ni Pope eh. Eighty percent ng mga pari, obispo bakla. Bakla talaga ‘yang mga gagong ‘yan. Kunyari sa misa nila ‘tayo’y dapat hindi magkasala, iwasan na tayong matukso’. Pagkatapos pala may pamilya ang mga ulol, tapos panay ang atake sa akin,” anang Pangulo.

Kung makapagsalita aniya ang mga pari at obispo sa pulpito ay parang banal at panay ang banat sa kanya na tila ba walang kasalanan ang mga ito.

“You know, kung magtindig ka sa pulpito tapos sabihin mo ako ang demonyo eh ano ka? Kung demonyo ako, kayo ano religious? You shape up. By the next generation malalaman, mabasa lahat itong mga dokumentong lumalabas…sigurado kinabukasan hindi na kayo Katoliko,” dagdag pa ng Pangulo.

Pinayuhan ni Pangulong Duterte ang publiko na panatilihin ang paniniwala sa Diyos subalit huwag magpaloko sa relihiyon na ang pinagbabasehan aniya ng kanilang mga itinuturo ay 3,000 years na malayo na sa reyalidad.

“I advised you, stay with God, pero huwag kayong magpaloko sa religion. Iyang religion na ‘yan, you know ang sumulat ng Bibliya, anak ka ng… that was 3,000 years ago. Anong pakialam ng mga gago na ‘yon sa ating buhay ngayon? 3,000 years ago tapos hanggang ngayon niloloko tayo,” wika pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }