53

By

Duterte mangunguna sa Balangiga bells handover ceremony

Sharing is caring!

Nakatakda nang mailipad patungong Pilipinas ang Balangiga bells sa Martes, Disyembre 11 mula Amerika at South Korea.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang handover ceremony para sa tatlong kampana, na darating sa Villamor Air Base sa Pasay City bago ilagak sa Balangiga, Eastern Samar.

Noong Sabado ay natanggal na ang dalawang kampana na nasa F.E. Warren Air Force Base sa Wyoming para maibiyahe na pabalik ng ‘Pinas, samantalang ang pangatlo ay nasa isang museo ng US Army sa South Korea.

Matatandaan na ang Balangiga bells ay naging pangako ni Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address. Ang tatlong kampana ay kinuha ng mga Kanong sundalo noong 1901 bilang war trophies.

“Give us back those Balangiga bells. They are ours. They belong to the Philippines. They are part of our national heritage. Isauli naman ninyo. Masakit ‘yun sa amin,” pahayag ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }