47

Jul 7, 2020 @ 19:37
By

Duterte mananatili sa Davao

Hindi muna babalik sa Maynila si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Ayon sa Palasyo, mananatili si Duterte sa Davao, kung saan pumunta ito sa Mindanao noong Biyernes para makipagkita sa mga pulis at sundalo sa Zamboanga kasunod ng pamamaril sa apat na intelligence personnel ng Philippine Army ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

“Ang inaasahan ko po ay for the rest of the week ay nandoon po si Presidente,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque Jr.

Ngayong Martes naman ay inaasahan na magbigay ng mensahe sa bayan ang Pangulo mula din sa Davao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?