By

Duterte mananahimik na sa isyu ng illegal drugs

Sharing is caring!

Hindi na sasagot pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko patungkol sa isyu ng illegal na droga.

Sinabi kahapon ng Pangulo sa mass oath-taking sa Malacanang na mangnignibabaw ang sinumpaan nito sa tungkulin na protektahan ang sambayanan at tiyaking ligtas ang estado.

Umaasa ang Pangulo na matatapos nito ang problema sa illegal na droga sa loob ng isang taon dahil masyado aniyang talamak ang problema at tila walang katapusan.

Wala na rin aniya siyang pakialam sa mga extra judicial killing gaya ng pilit pinapalitaw ng mga kritiko at kung patuloy na mag-iingay ang Human Rights Commission, sinabi ng Pangulo na iimbitahan niya ang mga ito na magtungo sa Pilipinas at bibigyan pa ng tanggapan para magbantay sa mga ginagawa ng mga otoridad.

“Itong sa droga, wala itong katapusan. It’s not — it’s a non-issue to me and I will not answer it anymore except to say that my oath of office demands that I protect the Filipino people and that the Republic of the Philippines is safe. That is the long and short of it.
Wala na akong istorya pa na extrajudicial killing. It will happen if it will happen. It cannot happen, if it cannot happen. Wala akong pakialam basta sabi ko sa droga, I hope to finish the problem maybe give me just another year,” ang pahayag ng Presidente.

Matatandaang muling binigyan ng Pangulo ang Philippine National Police ng permiso na maglunsad ng anti-drug operations subalit kinakailangang nasa superbisyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?