27
duterte-wps
By

Duterte, malamya sa isyu ng WPS – Lagman

Sharing is caring!

Sinita ni Albay Rep. Edcel Lagman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbalewala sa paglalagay ng missile ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Tinawag ni Lagman na “grossly unpatriotic” at “gravely disheartening” ang aniya’y malamyang tugon ng Pangulo sa hakbang ng China.

Sa halip aniyang agad iutos ang paghahain ng diplomatic protest at iba pang opsyon laban sa China sa ilalim ng international law at ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), mistulang pinanghahawakan pa ni Duterte ang pangako ng China na poprotektahan ang Pilipinas.

“How can a military trespasser on Philippine territory profess to protect our country and against whom, when China itself is the aggressor?” tanong ni Lagman.

Sabi pa ng kongresista, ni hindi itinanggi ng China ang mga ulat na naglagay ito ng anti-ship at ground-to-air missiles sa tatlong reefs sa Spratly Islands na karamihan ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Lagman, ang kawalan ng kibo ng Presidente ay pagiging “consistent” sa desisyon nitong isantabi ang paggiit sa China ng hatol ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na pabor sa Pilipinas at kontra sa pangangamkam sa WPS.

“Duterte’s undue and suspicious policy of accommodation, if not subservience, to China has resulted to a virtual forfeiture by the Philippines of the favorable arbitral award and has condoned China’s continued illegal occupation and militarization of the strategic areas,” pahayag pa ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?