47

Nov 6, 2017 @ 18:09
By

Duterte, malabong makadalo sa ika-4 anibersaryo ng ‘Yolanda’

Malabong makadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Tacloban City at sa ibang lugar sa Visayas region.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, bibiyahe ang Pangulo sa Vietnam para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) forum sa Nobyembre 8 na siyang mismong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Roque, may mga natutunan ang gobyerno sa bagyong Yolanda at titiyaking hindi ito mangyayari sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Matindi aniya ang pagkadismaya ni Pangulong Duterte sa mabagal na rehabilitasyon ng mga lugar na winasak ng bagyong Yolanda kaya’t tinitiyak nito na may mananagot lalo na sa mga nagpabaya sa pabahay ng mga biktima ng kalamidad.

“November 8. Well, unfortunately November 8, we will be in Vietnam where the President would be attending APEC and afterwards, of course, is ASEAN. But on Yolanda, there are very good lessons learned. The delay in the reconstruction of Yolanda devastated areas is simply unacceptable as far as the President is concerned.

“At the same time, he promises prosecution no’ for the subhuman housing that were constructed in the Yolanda devastated areas, which came out as a result of investigation conducted by the Committee on Housing of the House of the Representatives,” paliwanag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?