10

Sep 2, 2020 @ 17:03

Duterte makikipagpulong sa mga world leader

Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkoles kasama ang iba pang world leader sa Aqaba Process na pangungunahan ni Jordanian King Abdullah II.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos matanong tungkol sa kalusugan ng Pangulo.

Sinabi ng kalihim na malusog si Pangulong Duterte at nagagampanan ang kanyang tungkulin, patunay aniya ang pagdalo sa Aqaba Process meeting ng hari ng Jordan.

“Okay po ang kalusugan ng Presidente. Mamaya po, sasapi po siya doon sa tinatawag na Aqaba Process, isang pagpupulong ng iba’t ibang lider sa buong daigdig,” ani Roque.

Ang Aqaba Process ay inilunsad ni King Abdullah II noong 2015 na naglalayong patatagin ang international at regional cooperation sa pamamagitan ng holistic approach laban sa banta ng terorismo, violent extremism at radikalisasyon.

Ang pulong ay gagawin sa pamamagitan ng teleconference kung saan inaasahang tampok sa mga pag-uusapan ay kung paano malabanan ang banta ng COVID-19.

Kabilang sa inaasahang dadalo sa virtual conference ay mga political at military official ng Amerika, mga lider sa Asya, Europe, Africa, Canada at iba pang international partners.

Sina Pangulong Duterte at King Abdullah II ay nagkita nang personal nang bumisita ang Presidente sa Jordan noong September 2018. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?