104
Duterte mahilig talagang magbiro - Panelo
Feb 27, 2019 @ 18:50
By

Duterte mahilig talagang magbiro – Panelo

Matagal na umanong nakikinig sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesperson Salvador Panelo simula noong alkalde pa ang una kaya alam umano niya na istilo na ng Pangulo ang mag-joke.

“I’ve been listening to the President for the last thirty years, during his term as mayor. Ganu’n talaga ang style niya. Talagang he creates a situation and makes a joke out of it. He jokes about me, he jokes about a lot of people,” ani Panelo sa panayam ni GMA reporter Howie Severino.

Aniya, para umanong komedyante ang personalidad ng Pangulo kaya natutuwa ang audience rito.

Naitanong din kay Panelo ang magkasalungat na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan noong una ay panay ang banat nito sa Simbahang Katoliko pero nitong nakalipas na mga araw ay nagbabala ito sa publiko na huwag sasaktan ang mga pari at obispo kundi siya ang makakalaban ng mga ito.

Sabi nito Panelo, mahahalata naman umano kung seryoso o nagbibiro ang Pangulo sa mga galaw ng mukha nito.

“When he made the statement na do not touch these priests kasi kayo’y mananagot sa’kin—’yun ang katotohanan, kasi galit siya eh. Pero ‘pag sinabi niya ‘yung mga…kasi alam mo, mahahalata mo naman ang Presidente ‘pag nagbibiro eh. May mga galaw siyang ‘yung mga mukha niya na he is making faces—biro lang ‘yun. Pakuwela niya lang ‘yun,” paliwanag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?