20

May 13, 2020 @ 16:14
By

Duterte mahilig magwaldas ng pera kaysa solusyunan ang problema -Bayan Muna

Magreresulta sa lalong pagdami ng bilang ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ang inaalok na P2 milyon pabuya ni Pangulong Duterte para sa sinumang makakapatay o makakahuli sa top Commander ng NPA.

Pangamba ito nina Bayan Muna Reps. Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat.

Ayon kay Gaite, sa naturang alok ay inaasahang dadami ang bilang ng mabibiktima ng fake arrest, fake encounters, at killings.

“Just last week five farmers were murdered in an alleged encounter between government troops and the NPA” ayon kay Gaite.

Paniwala naman ni Cullamat, maaaring magresulta ito sa dagdag pang insidente ng ’red-tagging’ laban sa miyembro ng leftist organizations.

“Sa deklarasyon niya nito, madaming madadamay na sibilyan, lalo na ang mga katutubo na nakatira sa mga kabundukan sila ang magigipit nito. Magwawaldas na naman siya ng pera kesa solusyunan niya ang problema na hinaharap natin ngayon sa kalagitnaang ng pandemiya,”ayon kay Cullamat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?